Una sa Balita

Digong kay Obama: Sorry sa ‘PI’

By
0 725

HUMINGI ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte kay dating United states of America President Barack Obama matapos nitong murahin noong 2016 dahil sa pakikialam sa kanyang anti-drug war.

Sa kanyang talumpa­ti sa Filipino community sa Israel, sinabi ng Pa­ngulo na ngayong isa nang sibil­yan si Obama ay panahon na para humingi ng paumanhin sa pagmumura sa kanya.

Humihingi aniy­a siya ng tawad at pinapatawad na rin niya ito kaugnay sa pangingia­lam sa panloob na isyu ng bansa pati na ang pagtrato sa kanya na animo ay nasa kontrol siya ng Amerika.

Abante Hiring – IT dep

Sinabi ni Duterte na mabuti pa si US President Do­nald Trump dahil nagkakaintindihan sila sa kanyang anti-drug war at magkapareho pa sila ng pananalita.

“Trump is a good friend of mine. He is because he speaks my language and he is a bit warmer. Obama was a cold person eh, malamig, always at a distance even he’s talkative. Two presidents — praising you and one is condem­ning you. Obama, well of course… Well then it would be appropriate also to say at this time to Mr. Obama that you are now a civilian and I am sorry for uttering those words. So if it is to your heart to forgive, you forgive. I have forgiven you just like ‘yung mga — ‘yung lahat ng mga girlfriend ko noong binata pa ako,” anang Pangulo.
Ipinaliwanag ng Pa­ngulo sa mga Pinoy sa Israel na hindi niya nagustuhan noon ang pagkundena sa kanyang anti-drug war at ang pagkastigo sa kanya ni Obama sa kanyang press conference na ang tingin sa Pilipinas ay ko­lonya ng Amerika.

Matatandaang hindi natuloy ang one-on-one meeting sana nina Duterte at Obama sa sidelights ng ASEAN summit sa Cambodia noong 2016 makaraang murahin ng Pa­ngulo ang dating US President na tinawag na “son of a bitch.”