Una sa Balita

Digong kanselado ang Fujian visit

0 248

IPINAGPALIBAN ang isa sa mga nakalinyang schedule ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China sa susunod na linggo.

Sinabi ni Department of Fo­reign Affairs Assistant Secretary Meynardo Montealegre sa pre-departure briefing sa Malacañang na hindi na tutuloy ang Pangulo sa schedule nito sa Fujian pro­vince at sa halip ay ipinagpaliban ito sa mga susunod na pagbisita nito sa China.

Nakatakda sanang pasina­yaan ng Pangulo ang isang ipinata­yong gusali sa Fujian University na ipinangalan sa kanyang inang si Soledad.

Ayon sa opisyal, kulang ang panahon ng Pangulo sa kanyang ilang araw na working visit sa China kaya ipinagpaliban ito.

“There’s not enough time to visit Fujian Province at this period. It’s postponed to a more appropriate time in the future,” ani Montealegre.

Pero tiniyak ng opisyal na manonood si Pangulong Dutere sa laro ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup pagkatapos ng kanyang courtesy call sa Chinese vice president.

Matatandaang nagbiro ang Pangulo na walang panalo ang koponan ng Pilipinas sa team ng Italy dahil malalaki umano ang mga ito kumpara sa mga miyembro ng Gilas Pilipinas. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy