Una sa Balita

Digong kailangan ng P200B sa mga jobless Pinoy

0 538

Kailangan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng P200 bilyon upang masigurong manatili lamang sa kanilang bahay ang mga Pilipino at tumigil sa pagtatrabaho sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan habang hindi pa humuhupa ang pagkalat ng coronavirus disease sa bansa.

Isiniwalat ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno na ang fiscal stimulus ay nakatuon para sa mga consumer hindi lang sa Metro Manila kundi sa iba pang matataong lugar tulad ng Bulacan, Cavinte, Laguna at Rizal.

“A good number is P100 billion to P200 billion, that will be enough to tide over the Luzon population for next 60 to 90 days,” ani ni Diokno.

Habang wala pang ideya ang BSP head kung paano makakalikom ng ganito kalaking halaga, tinukoy na agad niya kung sino-sino ang dapat mabigyan ng pondo. Ilang business group na ang nagrekomenda na mangutang ang gobyerno upang mapondohan ang programa.

“It has to be consumer-based, we have to address the fact that many people are not employed right now or do not have sources of income because of the isolation. We have to given them cash grants for the next two to three months those who lost their jobs or those daily wage earners who can’t work need to be addressed,” wika ni Diokno.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More