Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Digong: Kahit magnakaw, vaccine supply wala talaga

0 147

ANG kakulangan ng supply ng bakuna sa buong mundo ang dahilan kaya wala pa ring nabibiling bakuna ang Pilipinas para ipanlaban sa COVID-19.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang lingguhang ‘Talk to the People’ sa harap na rin ng patuloy na paghihintay ng sambayanan sa pagda­ting ng mga bibilhing bakuna mula sa iba’t ibang vaccine manufacturers.

Naudlot din aniya ang supply na ipina­ngako ng World Health Organization (WHO) sa pamamagitan ng kanilang Covax facility dahil walang supply ng bakuna.

SM food to go Banner Ad

“Ang sinabi, naudyok kasi sa supply, so wala talaga supply,” anang Pangulo.

Kahit pa aniya bumili, magnakaw o manghiram ito ay wala talagang makuhang supply ng bakuna dahil sadyang kailangan ng lahat ng mga bansa sa mundo ang bakuna para may panlaban sa COVID-19.

“I’d like to say it in— my dear countrymen, ginusto ko man, sabi ko, buy, steal or borrow, wala akong makuha,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.