Una sa Balita

Digong ipit sa cabinet corruption

By ,
0 1,022

NALAGAY sa balag ng alanganin si Pangulong ­Rodrigo Duterte matapos isiwalat ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na apat na miyembro ng gabinete ang kanilang iniimbestigahan sa posibleng pagkakasangkot sa katiwalian.

Giit ni Presidential Spokesperson Salvador ­Panelo, hindi dapat isinasapubliko agad ang ­pangalan ng mga opisyal na iniimbestigahan ng PACC sa katiwalian.

“Hindi mo dapat inilalabas agad iyon kasi ­otherwise, you might be unnecessarily maligning a reputation na walang basis eventually. Kawawa rin naman,” diin ni Panelo.

Sinabi ng kalihim na kapag nakatanggap ng reklamo ang kanyang tanggapan laban sa isang ahensiya o opisyal ay inaabisuhan ang mga ito at pinasasagot sa reklamo.

Kilala ang Pangulo na galit sa corruption at pinatatalsik ang mga opisyal na gumagawa nito pero sa ginawang pagbuyangyang ng PACC ay naiipit ang Chief Executive sa isyung ito.

Dahil sa ginawang pagsiwalat ni PACC Commissioner Manuelito Luna ay pinasisibak ito ni Labor Secretary Silvestre Bello kay Pangulong Duterte dahil sa pag-abuso sa kanyang tungkulin matapos nitong ihayag na iimbestigahan ang apat na ­gabinete.

“Kung mag-iimbestiga ka, mag-imbestiga ka hindi sa diyaryo o sa TV… Bigyan naman ako ng pagkakataon na sumagot,” dagdag pa ni Bello.

Nalaman na bukod kay Bello, iimbestigahan rin ng PACC si dating Bureau of Customs (BOC) commissioner at ngayo’y Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) chief Isidro Lapeña, at National Commission on Indigenous People (NCIP) Chairman Leonor Oralde-Quintayo.

Kasama rin sa iniimbestigahan ng PACC si ­Agriculture Sec. Emmanuel Piñol matapos na kusa itong magpasailalim sa lifestyle check noong Dis­yembre bunsod ng mga tsismis na kumita ito sa rice importation at cartel.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy