Una sa Balita

Digong inip na sa nCoV vaccine

0 479

NAKIUSAP si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga health worker at researcher sa Pilipinas na tumuklas ng gamot o bakuna para sa 2019 novel coronavirus (nCoV).

“At least we have our doctors. They should work overtime, the researchers, pareho lang man, to come up with a vaccine,” giit ni Duterte sa kanyang talumpati sa SMX Convention Center sa Pasay City noong Lunes.

Tiniyak naman ng Pangulo na nakahanda ang gobyerno para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus sa bansa.

“I would like also to take this opportunity to assure all Filipino brothers and sisters that the national government remains to be on top of the threat of the coronavirus. We are prepared to handle all public emergency, in case the worst possible scenario happens,” diin pa ni Duterte.

“Maniwala lang kayo sa gobyerno. In a crisis of involving deaths and getting people sick, we will do our very best at maniwala lang kayo kasi ‘yun ‘yung talaga ‘yung pinag-aral. Ito ‘yung Department of Health. Iyan ang nag-aaral diyan eh. Hindi naman tayo. But we will do our best,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ng Pangulo na hindi niya hahayaang itaboy ang mga Pilipino at iwasan sakaling maka­pitan ng coronavirus habang nasa ibang bansa.
Kagaya aniya ng ginawa sa 30 Pilipinong inuwi mula sa China, pauuwiin din sa bansa ang mga Pinoy na maapektuhan ng nCoV kahit pa tutol ang ilang mga opisyal at mamamayan.

“If nagkakamatayan na talaga at ang mga Pilipono doon pinagtutulak na, whether you like it or not, I will bring them home. I will bring them home because they have no other country to seek shelter. It’s their country. Saan pala sila tatakbo?” anang Pangulo. (Prince Golez/Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More