Una sa Balita

Digong inawat ni Mayor Sara sa peace talks

By
0 1,843

HINDI kumbinsido si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa katapatan ng mga rebeldeng komunista sa pakikipagkasundo sa pamahalaan kung kaya’t hiniling nito kay Pangulong Rodrigo Duterte na irekonsidera ang desisyon na muling buksan ang peace talks sa National Democratic Front (NDF).

Ayon kay Mayor Sara, malulutas lamang ang problema kung magpapakita ng katapatan at pangako ang kilusang komunista para sa isang mapayapang bansa.

“Respectfully, I am asking President Rodrigo Duterte to reconsider his decision to reopen the negotiations with the National Democratic Front of the Philippines. I believe the insurgency problem can only be en­ded peacefully if the NDFP and the Communist Party of the Philippines and its armed wing, the New People’s Army, are sincere, honest, and committed to working toward the direction of peace and reciprocate the gesture offered by the government,” ayon sa kanya.

Sa ngayon ay wala an­yang indikasyon na seryoso ang mga rebeldeng komunista na magkaroon ng solusyon ang matagal ng problema sa insureksiyon dahil naipakita na nila kung paano traydurin at tangkang pabagsakin ang gobyerno.

“History will also tell us that the communist movement is not to be trusted as they have consistently shown us their deep-sea­ted proclivity to sow hate, violence and extremism, destruction, and senseless killings. These are groups motivated by the desire to overthrow the government and rule the nation. For them, peace is not an option. And that’s because they are terrorists,” sabi ni Mayor Sara.

Matatandaang pumayag muli si Pangulong Duterte na buksan ang peace talks sa mga rebeldeng komunista at inalok pa ang mga ito na babalikatin ang gastos sa hotel at pagkain ng mga negosyador.

Kamakailan lamang, ayon pa kay Mayor Sara ay sinunog ng mga NPA ang halos isang dosenang heavy equipment sa Davao, ito’y naging dahilan para maantala ang ginagawang proyekto na pakikinabangan sana ng ilang komunidad sa lugar.