Digong inaprub pagbitiw ni Parlade

Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni Lt. General Antonio Parlade bilang isa sa mga tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng nakatakdang pagreretiro ni Parlade sa serbisyo.
“Tinanggap po ni Presidente ang resignation ni General Parlade as spokesperson ng NGF-ELCAC. That acceptance was confirmed to me by Secretary Delfin Lorenzana,” ani Roque.
Isinumite ni Parlade ang kanyang resignation kay Pangulong Duterte noong nakalipas na buwan. (Aileen Taliping)