Una sa Balita

Digong, Honeylet nag-V-date sa Sergio Mendes concert

0 436

WALA umanong kaalam-alam ang Brazilian singer na si Sergio Mendes na nanood sa kanyang Valentine concert si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na late dumating ang Pangulo dahil galing ito sa kanyang aktibidad sa Bulacan kaya’t halos patapos na ang concert nang dumating ito sa Solaire Hotel Manila.

Kasamang nanood ng Pangulo ang partner na si Honeylet, at mga miyembro ng gabinete kasama ang kanilang mga asawa.
Sinabi pa ni Panelo na nag-enjoy naman ang Pangulo kahit na hindi nito naumpisahan ang concert.

“Yeah, he atten­ded together with the members of the cabinet. But he arrived very late, I think he spent only parang 20 minutes, kasi halos matapos na rin iyong concert eh. But I think he enjoyed because I was looking at him, he was smiling,” ani Panelo.

Sinabi pa ng kalihim na nakatalikod si Mendes nang duma­ting ang Presidente kaya hindi nito napansin at marahil ay nagtaka na lamang ito pagkatapos ng kanyang performance nang tumayo ang Pa­ngulo at napaligiran ng tao at sinundan ng mga camera.

Idinagdag pa ng kalihim na ayaw rin naman ng Presidente na binibigyan siya ng espesyal na pagkilala dahil palagi nitong sinasabi na nakokornihan ito sa mga palakpak sa kanya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy