Una sa Balita

Digong gigil pa rin sa bata ng negosyanteng si Dennis Uy

By
0 2,114

Mahigit isang buwan na simula nang sibakin si dating Maritime Industry Authority (Marina) Administrator Marciano Amaro III na sinasabing malapit sa negosyanteng si Dennis Uy, ay laman pa rin ito ng mga talumpati ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte.

Nitong nakalipas na Martes sa dalawang magkahiwalay na aktibidad ay hindi pa rin nito maalis ang pagkainis ng Pangulo sa sinibak na opisyal dahil sa naging sunod-sunod na biyahe sa ibang bansa gamit ang pondo ng kanyang da­ting opisina.

Bagama’t may ilang biyahe aniya na lehitimo, sinabi ng Pangulo na hindi makatwiran ang bumiyahe ng 22 beses at 12 kada buwan sa labas ng bansa.

Halos lahat yata aniya ng conventions, seminars at conferences ay dinaluhan ni Amaro mula South Africa, Belgium, New York sa Amerika at iba pa.

“Somebody told me, ‘Mayor, sa panahon mo, maraming lumalabas ha, buwan-buwan, spending public money.’ So tiningnan ko, pati itong si Marina. Nandito ba ‘yung buang? Sipain ko ‘yang p***** i***** ‘yan.

Twenty-two trips a year? He wants to attend every convention doon? May climate change sa Africa, conference nandoon; may climate change sa Brazil, nandoon; may climate change sa New York, Brussels. Marami ‘yan sila, puro climate change. P***** i***** bagyo na ‘yan, pinupuwet pa ‘yung isa, pumapasok na naman ‘yung isa, rumami tuloy hindi na — and you’re spending the people’s money,” ayon sa Pangulo.