Una sa Balita

Digong dumistansiya sa pagpapatawag ng NBI kay Vico

0 693

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang kinalaman sa pagpapatawag ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Pasig City Mayor Vico Sotto kaugnay sa paglabag umano nito sa Bayanihan to Heal as One Act.

“Wala akong pakialam sa operation ng NBI kung anong gusto nila.” wika ng Pangulo sa televised message nitong Biyernes nang gabi.

“Trabaho ng pulis ‘yan. Nandito ako sa…ang akin, policy sa taas,” paliwanag pa niya.

Nauna rito ay sinabi ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin na pinadalhan nila ng summon si Mayor Sotto upang magpaliwanag sa paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act, partikular ang hindi pagsunod sa enhanced community quarantine nang payagan ang mga tricycle driver na isakay ang mga health worker.

Ngunit ayon kay Sotto, sumunod agad siya sa utos ng Department of Interior and Local Government bago pa man naisabatas ang Republic Act 11469 noong Marso 25,2020.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More