Una sa Balita

Digong dumalaw sa puntod ng ina sa Davao City

By
0 387

DINALAW ni Pangulong Rodrigo Duterte ang puntod ng kanyang ina kagabi sa Davao Public and Roman Catholic Cemetery.

Kaugnay ito ng ika-pitong anibersaryo ng pagkamatay ni Gng. Soledad Roa Duterte na pumanaw noong 2012.

Pasado alas-11:30 nang gabi dumating ang Pa­ngulo sa puntod ng ina kasama ang kanyang da­ting top aide na si Bong Go.
Malapit ang Presidente sa kanyang ina kumpara sa kanyang ama, batay sa kuwento nito sa kanyang mga talumpati.

Walang opisyal na schedule ang Presidente noong Lunes subalit may mga pakikipagpulong ito sa kanyang mga security official bago dumalaw sa puntod ng ina.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy