Una sa Balita

Digong, Dong Mangudadatu bonding sa motor

0 449

NAG-BONDING sa parehong hilig sina Pangulong Rodrigo Duterte at Maguindanao 2nd District Rep. Zajid ‘Dong’ Mangudadatu ilang sandali matapos manumpa ang huli bilang isa sa mga bagong miyembro ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa Davao City kamakailan.

Hindi pinalagpas ng dalawang ‘tigasin’ mula sa Mindanao ang pagkakataon at agad na nagpalitan ng kuwento tungkol sa pareho nilang pagkahilig – ang pagmomotor.

Nasapul ng mambabatas ang simpleng ‘bis­yo’ ng Pangulo nang maispatan nila ang isang big bike na isa rin sa mga hindi niya maiwasang gamitin kahit pa alam niyang maaari itong ma­ging banta sa kanyang seguridad matapos siyang masabak sa politika.

Tulad ng Pangulo na mas gustong maglibot sa Davao City gamit ang kanyang motor noong alkalde pa siya ng lungsod, komportable rin umanong gumalaw si Mangudadatu sa pag-ikot sa kanilang lalawigan habang lulan sa kanyang big bike.
Ang sabi ng kongresista, hindi siya natatakot, bagkus ay natutuwa pa dahil mabilis siyang nakararating sa mga nais niyang puntahan gamit ang kanyang motor.

Ang sabi ng kanilang mga kaibigan, akma sa dalawa ang kasabihang ‘Big boys play big bike.’

Matatandaang kasama si Mangudadatu sa inendorso ng HNP, ang regional political party na pinamumunuan ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, sa mga pambato sa 2019 elections.

Ipinagmalaki ni Mayor Inday na si Ma­ngudadatu ang tanging Muslim senatoriable sa kanilang hanay.