Una sa Balita

Digong ‘di papatol kay Gloria para mapalaya si Palparan

By
0 859

PINAWI ng Malacañang ang mga agam-agam na baka mabigyan ng pardon si retired general Jovito Palparan matapos mahatulan ng korte ng habambuhay na pagkabilanggo.

Sa harap na rin ito ng pangamba na baka umano gapangin ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na mabigyan ito ng pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na walang batayan ang mga agam-agam ng pamilya at supporters ng mga biktima kaya hindi dapat na pangunahan ang gobyerno.

Binigyang-diin ni Roque na ang gobyerno ang nagpakulong kay Palparan kaya’t ang gobyerno ang titiyak na pagdudusahan nito ang nagawang kasalanan.

“Wala pong basehan iyan. Ang nagpakulong po kay Palparan ay gobyerno at ang gobyerno rin ang magsisiguro na mabigyan ng katarungan iyong mga biktima,” ani Roque.

Si Palparan ay nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo matapos mapatuna­yang guilty sa kasong kidnapping at serious illegal detention dahil sa pagkawala ng dalawang estudyante ng University of the Phi­lippines (UP) noong panahon ng Arroyo administration. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy