Una sa Balita

Digong ‘di pababayaang magutom ang mga umuwing OFW

By
0 2,238

PINAWI ni Pangulong Rodrigo Duterte ang agam-agam ng mga umuwing overseas Filipino worker (OFW) mula sa Kuwait na hindi magugutom dahil hindi sila pababayaan ng gobyerno.

Sinalubong ng Pangulo ang mga umuwing OFW sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Martes ng gabi, at tiniyak sa mga ito na tutulungan sila ng gobyerno para makapagsimula ng konting negosyo na maaari nilang palaguin.

Binigyan din sila ng tig-P15,000 na pocket money at konting groceries para maiuwi sa kanilang mga pamilya.

Pinayuhan ng Pangulo ang mga sinalubong na OFW na huwag nang bumalik sa Kuwait at tutulungan sila ng gobyerno para sa alternatibong pagkakitaan.

“May livelihood program ang gobyerno, DOLE meron, ang DTI meron, ‘yung tinatawag nilang micro small. Tuturuan ka pahihiramin ka ng pera, they’ll give you about tig-P200,000 maski magmaruya ka na lang diyan.

So huwag kayong mawalan ng pag-asa. Hindi naman kayo magugutom,” anang Pangulo.

Mag-iisyu umano ang Pangulo ng Executive Order para atasan ang Department of Social Welfare and Development na bigyan ng bigas ang mga umuwing OFW.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy