Una sa Balita

Digong cool lang sa Mocha ‘pepe-dede-ralismo’ video

By
0 850

HINDI natuwa subalit hindi rin umano nagalit si Pangulong Rodrigo Duterte nang ipakita sa kanya kagabi ang viral video ng ‘pepe-dede-ralismo’ jingle ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Mocha Uson at kasamang blogger patungkol sa pederalismo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na pareho sila ng Pangulo ng sentimyento na dapat ay mayroong mas malaman na diskusyon tungkol sa p­ederalismo.

Wala naman aniyang ibinigay na direktiba ang Pangulo matapos ipakita sa kanya ang viral video ni Uson at ‘cool’ lamang aniya ito.

“Actually wala naman po siyang binigay ng instruction, at the President was very cool about it. I mean, he’s a… you know, primary – he’s a first and foremost a believer in freedom of expression. But of course he knows that charter change has to be more serious but to him it was not really a big thing ‘no,” ani Roque.

Pero sinabi ng kalihim na gusto ng Pangulo ang mas matalinong paraan ng pagpapalaganap kung ano talaga ang pederalismo.