Una sa Balita

Digong biyaheng China sa Agosto 28

0 203

MAY petsa na ang natakdang working visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na magsisimula ang working visit ng Presidente sa China sa Agosto 28 hanggang Setyrmbre 2.
Ito ang magiging ika-limang pagbisita ng Presidente sa China simula manungkulan ito bilang Presidente noong 2016.

Sa nakatakdang biyahe ay igigiit na ni Pangulong Duterte ang karapatan sa mga inaangking teritoryo sa West Philippine Sea alinsunod sa desisyon ng international arbitral court.

Bukod pa rito ang isyu sa hindi matapos-tapos na balangkas ng Code of Conduct sa mga bansang umaangkin sa mga teritoryo.

Magiging mahalagang pakay rin ni Pangulong Duterte ang pagsusulong ng joint exploration ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea at aalamin kung ano na ang naging resulta sa imbestigasyon ng China sa insidente ng banggaan ng dalawang bangka sa Recto Bank noong Hunyo 9.

Inaasahan ding manonood si Pangulong Duterte sa FIBA World Cup na gaganapin sa China kung saan kasali ang koponan ng Gilas Pilipinas. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy