Una sa Balita

Digong bilib sa Grab driver na nanglibre ng mga pasahero

By
0 3,099

PERSONAL na pinapurihan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang ang Grab driver na nag-viral sa social media dahil sa pagtulong at pagpapasakay ng libre sa mga pasaherong stranded sa kalsada.

Nakipagkita si Romualdo Albarca sa Pangulo kahapon sa Malacañang kasama ang pamilya at ipinarating ng Pangulo ang paghanga sa ipinakitang kabaitan nito sa mga estranghero.

Nakarating sa Pangulo ang ipinakitang malasakit ni Albarca sa mga pasaherong nangangailangan ng tulong kaya ito ipinatawag para personal na pasalamatan.

Hangad ni Pangulong Duterte na tularan ng iba pang tsuper ni Albarca na sa halip na pera ang habol sa mga pasahero ay ipakita ang malasakit sa kapwa.

Walang impormasyon kung binigyan ng Pangulo ng pabuya si Albarca matapos ang pagbisita sa Malacañang kahapon.

Pero isang mobile phone ang ibinigay ng isang opisyal ng Malacañang kay Albarca bilang pagkilala sa ipinakita nitong malasakit sa mga natulungang pasahero.

Naging viral sa social media ang 63-anyos na driver matapos niyang isakay ang mga pasaherong stranded sa kalsada, lalo na kung pauwi o pagarahe na siya.