Una sa Balita

Digong balik Malacañang sa Martes – Roque

0 392

Hindi rin magtatagal sa Davao City si Pangulong Rodrigo Duterte dahil babalik din ito sa Malacañang sa Martes para dumalo sa isang pagpupulong.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos umuwi ang Pangulo sa Davao City noong Sabado kasabay ng pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine sa Metro Manila kung saan pinayagan nang magbukas ang ilang industriya.

“After 67 days po, not just two months. Ito po iyong pinakamatagal na panahon na ginugol niya sa Metro Manila mula po noong siya ay nag-aral bilang isang estudyante, at pinayagan naman po siyang umuwi ni Mayor Sara matapos pong magkaroon ng GCQ (general community quarantine) sa Davao City,” ayon kay Roque.

Nang tanungin kung magtatagal ba ang Pangulo sa Davao City, sinabi ng kalihim na, “ Sandali lang po, sandali lang po. Alam ko po ay mayroong meeting na naka-schedule sa Malacañang ng Tuesday.”

Nabatid din kay Roque na kasama ng Pangulo na umuwi sa kanilang bayan ang dating presidential aide na si Senador Bong Go. (Prince Golez)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More