Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Digong bad trip sa palpak na appointee

0 189

Panandalian ang naging pagbubunyi ng isang presidential appointee matapos makalusot ang kanyang party-list group sa mga pagpipilian sa darating na eleksiyon dahil sa halip na makakuha ng suporta ay pinutakti ng mga negatibong komento ng netizens sa kanyang official page sa social media.

Hindi umubra ang pagpapa-charming ni dating appointee sa social media posts dahil puro pang-aalipusta ang karamihan sa mga natanggap nito sa kanyang thread.

Maging ang mga larawan nito kung saan ipinapakilala ang kanyang party-list group ay nilait ng netizens dahil wala naman umano itong ‘K’ at hindi karapat-dapat para tumakbo at maging kinatawan sa Kongreso.

Kabado si dating presidential appointee dahil tila hindi umano nakuha ang kiliti ng publiko at hindi masigurado kung makakalusot siya papasok sa Kongreso sa Mayo.

Sa umpisa pa lang ng Duterte administration ay marami na ang inis sa dating appointee dahil sipsip umano at lumaki agad ang ulo.

Wala rin halos itong naiambag sa buong panahong nagkapuwesto kundi puro kapalpakan o pagkakalat sa ahensiya.

Isa pang dahilan kung bakit ayaw ng netizens kay dating presidential appointee ay dahil sa handler nitong balahura ang bunganga na ang tingin sa sarili ay pinakamagaling at mga bobo kung ituring ang mga hindi nila kakampi sa politika.

Clue: Si party-list nominee ay labas-masok noon sa Malacañang at parang lintang nakadikit sa Presidente, pero ngayon ay badshot na dahil sa mga kapalpakan nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.