Una sa Balita

Digong bad trip sa mainit na panahon

0 325

MAGING si Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi nakaligtas sa mainit na panahon.

Sinabi ng Pangulo na matindi ang init na nararanasan ngayon sa bansa kaya maraming nahihirapang mga Pilipino.

Ayon sa Presidente, maging siya ay naiinitan din kahit nasa bahay niya ito dahil nag-iba na ang panahon.

“Mainit talaga sa totoo lang. Maski doon sa bahay ko mainit. Grabe ang init ngayon. Lalo na sa Cagayan,” anang Pangulo.

Nitong Martes ay nasa Caga­yan ang Pangulo sa kampanya ng PDP-Laban at naranasan nito ang init ng klima sa lungsod.

Sinabi pa ng Presidente na maging ang sinasakyan nitong eroplano ay halos hindi na maramdaman ang aircon dahil sa tindi ng init ng panahon.

“Talagang mainit. I don’t know what’s happening to the climate but its really terribly hot nowadays. Maski yung eroplano wala na yung masyadong aircon na ani, medyo parang naka-ano na lang. Ako,basa na ako lalo,” dagdag pa ng Pangulo.

Batay sa pahayag ng Pagasa, mas nagpatindi sa init ngayong summer ang nararanasang El Niño phenomenon. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy