Una sa Balita

Digong atras-abante sa paglagda sa 2019 budget

0 189

MATAPOS itakda nga­yong Lunes, Abril 15, ang ceremonial signin­g ng P3.757 trillion 2019 national budget, kinansela naman ito ng Malacañang kahapon at inilipat pagkatapos ng Semana Santa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, binubusisi pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang national spending plan.

“Kinalender na pero mukhang pinag-aaralan pa eh… baka after Holy Week,” wika ni Panelo.

Nakapaloob sa panukalang budget ang P95 billion insertion ng liderato ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na gustong ipa-veto ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III dahil isinagawa ito sa post-bicam ratification na ipinagbabawal sa Konstitusyon. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy