Una sa Balita

‘Digmaan’ sa SJC ngayong Miyerkoles

0 289

BABALIK ang pang-Miyerkoles na mga derby ng San Juan Coliseum sa “2018 National Digmaan 11-Stag Derby” ngayon, Oct. 10.

May 87 sultada ang inilarga sa ‘Digmaan’ elims sa SJC noong Sept. 19 at karamihan sa kasali ay mula sa Pilipinas Gamefowl Bree­ders Derby Association (PGBDA).

Taya rito ang P60 milyon kaya sigurado ang quality fights mula umpisa hanggang matapos, ani PGBDA business manager William Go.

Isasabak ngayon ang mga locally-banded stags ng PGBDA, RGBA, NGBA Bakbakan, PFGB (Digmaan) at LGBA (regular).

Puwede pang sumali sa ‘Digmaan’ elims ng PGBDA sa Nov. 14. May entry fee na P12,000 at minimum bet, P5,500.

Tumawag lamang sa: 0905-2016057 (Michelle) or 0917-7957777 (William Go).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy