Una sa Balita

Digmaan sa Intramuros!

0 423

Balanza, Letran sisipain ang Lyceum
Laro ngayon:
(Cuneta Astrodome)
4:00pm — Lyceum vs Letran

NAIS ni Letran Knights star Jerrick Balanza na makasama pa ng matagal ang kanyang mga teammate kaya naman walang ibang nasa kukote niya kundi manalo sa Lyceum of the Philippine Pirates sa stepladder semifinals ng 95th NCAA basketball tournament.

Nilaglag ng Knights ang San Sebastian College Stags, 85-80, sa unang salang nila sa stepladder, nakatakda nilang harapin ang last year’s runner-up Pirates at kapitbahay sa Intramuros sa alas-4:00 ng hapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

“Gusto ko pang makasama teammates ko nang mas matagal. Ayoko pang maghiwa-hiwalay kami,” saad ni 23-year-old Balanza.

Ang mananalo sa pagitan ng Letran at Lyceum ay makakalaban ang defending champion San Beda University Red Lions.

Dumiretso sa championship round ang Mendiola-based squad Red Lions matapos nilang walisin ang 18-game elimination round kaya nagkaroon ng stepladder match.

Tumikada si graduating guard Balanza ng 15 points, anim na rebounds at apat na assists sa kanilang panalo sa Stags kaya inaasahang siya pa rin ang kakapitan ng Knights.

Pero tiyak na dadaan sa butas ng karayom ang Letran dahil ipana­nargo ng Pirates ang magkapatid na Jaycee at Jayvee Marcelino na kilalang malulupit sa depensa.

Makakatuwang ng kambal na Marcelino sina Mike Nzeusseu at Reymar Caduyac. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy