Una sa Balita

Digmaan, PGBDA Derby sa Lunes

0 370

SINIGURO ang baliktang mga sultada sa Lunes, Oct. 21, sa air-conditioned San Juan Coliseum dahil sa combined derbies ng “Pilipinas Gamefowl Breeders Derby Association (PGBDA) Stagfighter of the Year” series at 70M Pambansang Digmaan 11-Stag Derby (piggy bank).

Ayon kay PGBDA business manager William Go, lahat ng kasali sa 4-stag semifinals sa Lunes ay pasok na rin sa ‘PGBDA Stagfighter of the Year’ series at 70M Pambansang Digmaan 11-Stag Derby’.

“It’s like hitting two birds with one stone for those who will post a good score on Monday,” pahayag ni Go.

Puwede rin ang straight seven stags sa Lunes, ani PGBDA president Atty. Hermie Capuchino.

Mga nationally-banded ‘Bakbakan’ at ‘Digmaan’ stags ang tatanggapin sa Linggo, Oct.20.

Samantala, sa Nob. 13 ang bagong PGBDA Stagfighter of the Year series grand finals (5-stag derby).

Sa detalye: 7255369 o 0905-2016057 (Michelle). (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy