Una sa Balita

‘Digmaan’ finals sa Pasay ngayon

0 345

UMPISA na sa dinada­yong Pasay City Cockpit ang huling dalawang araw ng “PFGB Digmaan 11-Stag National Derby” ngayon, Biyernes, Dec. 13.

Mga miyembro ng Luzon Gamecock Breeders­ Association (LGBA) na may 4, 4.5, 5, 5.5 at 6 points ang kasali sa 4-stag finals ngayon hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Ayon kay LGBA President Nick Crisostomo, pasok sa grand finals (6.5 at 7 points) sa Dec. 16 sa Manila Arena sina Toto Gregore (22 GF) at Arnold dela Cruz (AEJ Diego).

May 6-1 (panalo-talo) sina Nestor Vendivil (tatlong entries), Lito Orillaza, Leo Ching, James Uy, Eric Calivoso, Jun Lovendino, Francis Guevarra at Boy Tanyag.

Samantala, larga ang “LGBA Staff 4-Stag Derby” (may entry fee na P11,000) sa Pasay Cockpit sa Lunes, Dec. 16.

Sa Linggo, Dec. 15 ang submission ng timbang.

Para sa detalye: 0945-4917474 (Erica); 0939-4724206 (Ace) o 8843-1746 at 8816-6750. (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy