Una sa Balita

Digital literacy sa OFW pinalawak ng OWWA, FB

0 296

INIHAYAG ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), katuwang ang Facebook, ang pagpapalawak ng programang digital literacy upang maabot ang mga overseas Filipino worker (OFW) na nasa ibang bansa.

Pinangunahan nina Labor Secretary Silvestre Bello III, OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, at Facebook Head of Community Affairs for Asia-Pacific Beth Ann Lim ang ginanap na pagdiriwang ng Migrant Wor­kers’ Day sa Palacio de Maynila.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Cacdac kung paano sumasabay ang OWWA sa teknolohiya para maipaabot ang serbis­yo at programa sa mga OFW.

“Malugod naming ipinapaalam ang pagpapalawak ng digital literacy program gamit ang Facebook para sa mga OFW na nasa Hong Kong, Singapore, at Middle East.

Ang aming pinagsamang bis­yon ay ang pagpapa­lakas ng komunidad ng OFW na may sapat na kasanayan para suriin ang mga impormasyon na makikita nila online, at ang paggamit ng privacy at safety tool para sa kanilang kapaka­nan,” ani Cacdac.

Inilunsad ang digital literacy program para sa mga OFW sa pagdiriwang ng Migrant Workers’ Day noong 2018, at unang inilaan para sa mga papaalis at umuwing OFW. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy