Una sa Balita

Diez, Romualdo, Bendebel, Sta. Ana dinemolis ang UST

0 203

BUMIDA ang mga mi­yembro ng Philippine Team nang sandigan ang kani-kanilang koponan, habang matatag ang Team Joola sa Executive Open sa ginanap na 16th Uni-Orient-TATAND (Table Tennis Association for National Development) Inter-Scholastic Table Tennis League kamakailan sa San Beda University Gymnasium sa Mendiola, Manila.

Pinangunahan nina John Diez at Ramito Romualdo, kapwa nakalusot sa isinagawang national tryouts para sa National training pool, kasama sina Francis Bendebel at Kerbie Sta. Ana ang National University laban sa University of Santo Tomas sa college men’s team open play ng torneo na inorganisa ng TATAND at itinataguyod ng Uni-Orient Tour at Joola equipment.

Kabilang si Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon ‘El Presidente’ Fernandez sa mga panauhin na nakiisa sa opening ceremony kasama ang mga opisyal ng TATAND, sa pangunguna ni Ho­norary President Charlie Lim at Philip Uy.

“This is part of TATAND commitment and continuous program for the development, particularly in grassroots level of table tennis. Aside of this, we’re sending a delegation in China for sports exchange prog­ram every year,” pahayag ni Lim, sumabak din sa executive event ng torneo.

Sa women’s college team open, nangibabaw ang Philippine ranked player na si Emy Rose Dael para sandigan ang La Salle sa kampeonato laban sa San Beda University. Kasama ng 20-anyos na si Dael sina Jannah Romero, Chantal Rei Alberto at Yna Co sa dominanteng kampanya sa dalawang araw na torneo. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy