Una sa Balita

Diego nagtangkang magpakamatay?

By
0 1,955

Habang isinusulat ko ito, wala pa ring malinaw na sagot kung si Diego Loyzaga nga ba ang young actor na sinasabing nagtangkang magpakamatay?

Iba’t ibang espekulasyon ang lumabas pointing fingers kay Diego, pero hangga’t wala pang official statement mula sa kanilang pamilya o medical doctor, mahirap maging asyumera.

Ang pinakamalapit nga na clue ay ang natanggap ng katotong Arniel Serato mula sa Star Magic’s PR Head na si Thess Gubit saying na okey ang pamilyang Loyzaga at humihi­ngi ng privacy.

Ayon sa tsika, naglaslas ng kanyang leeg at wrist ang young actor na nag-attempt ngang mag-suicide na matapos madiskubre ng kanilang kasambahay ay agad namang naitakbo sa isang kilalang hospital.

Walang nakakaalam sa dahilan kung bakit ito nagawa ng aktor dahil okey naman daw ito, at nakausap pa sa telepono bago naganap ang nasabing pagtangkang pagpapakamatay.

Kung sakaling si Diego nga ang involved sa isyung ito, well, dapat siguro ay mag-seek sila ng professional help dahil ang isang nagtangka na magpakamatay ay malaki ang tsansang uulitin at uulitin niya ito until dumaan siya sa tamang proseso upang maalis sa isip niya ang sanhi ng pagkakaroon ng desire na kitilin ang sariling buhay.

As of presstime, may balitang nagsasabi na stable naman na ang young actor na ‘yun, kaya wala nang dapat pang alalahanin pa ang mga mahal niya sa buhay.