Una sa Balita

DIEGO LOYZAGA AT RIA ATAYDE, MAGDYOWA NA?

By
0 25

Si Ria Atayde ang itinuturo na bagong apple of the eye ni Diego Loyzaga. Kasama si Jake Cuenca at ang kanyang kapatid na si Arjo Atayde, nag-bonding sina Ria at Diego sa isang hotel sa Pasay City.

Napansin ng mga eyewitness ang kakaibang pag-aasikaso ni Diego kay Ria kaya inisip nila na nagkakamabutihan ang dalawa.

Libre si Diego na manligaw sa iba dahil sa balita na hiwalay na sila ng kanyang girlfriend na si Sofia Andres, kahit hindi nila inaamin sa publiko ang kanilang inililihim na relasyon.

Abante Hiring – IT dep

Beauty Queen, muntik mawalan ng korona!

Muntik nang hindi magkaroon ng beauty title ang winner sa isang beauty contest dahil tutol ang ibang mga hurado na siya ang manalo.

Mataas ang scores na nakuha ng kandidata pero ibang contestant ang gusto na papanalunin ng karamihan sa judges.

Walang nagawa ang mga nagpoprotesta na hurado dahil iginalang ng chairman of the board ang resulta ng mga boto, hindi ang personal choice nila.

Nanalo ang kandidata na ina­ayawan dahil sa kanyang ta­lino samantalang nabigyan ng ibang beauty title ang contestant na pinapaboran ng mga hurado.