Una sa Balita

Diego Loyzaga maaliwalas na ang mukha

0 394

Looking good na si Diego Loyzaga ngayon, ha! At mukhang handa na siyang mag-comeback sa showbiz.

Maaliwalas na ang mukha ni Diego sa mga photo na pinost niya sa Twitter account niya, na kasama ang mommy niyang si Teresa Loyzaga.

At makikita rin nga na miss na miss na siya ng mga fan niya. Kahit ang mga kapwa artista niya ay natuwa na nagparamdam ulit ang idolo nila. Puro welcome back, at I miss you, ang mababasa mong tweet reply sa kanya.

“Now that you’re here, flex ko lang YouTube channel ko,” sabi ni Diego.

Meaning, ang paggawa ng mga video sa kanyang YouTube channel ang pag-uukulan ng panahon ni Diego. Mukhang napabayaan ni Diego ang YouTube account niya dahil mahigit isang taon na yata ang nakalipas mula nung mag-upload siya ng content.

At ngayon nga, desidido siyang pag-ukulan ito ng pansin, habang hindi pa siguro siya busy sa paggawa ng TV project, o pelikula.

@notzeenn “Aweee! Imissyou jegow!”

@thelai04 “Oh my God! I miss you Diegs. Literally crying right now!”

@TinReyess18 “Diego..nakakamiss ka!! Welcome Back! Hihi.”

Well, sana nga ay magtuloy-tuloy ang pagiging maayos ng buhay ni Diego, at mabigyan pa siya ng chance na umarte. Sayang din kasi ang mahusay na aktor na tulad niya.

(Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy