Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Diego kilig sa halik ni Barbie

0 164

Para sa pag-ibig at pagnanais na mabigyang kasiyahan ang kanyang kasintahang si Barbie Imperial, nag-‘bankero’ si Diego Loyzaga.

Ipinagmalaki pa ni Diego ang pagsisilbi kay Barbie sa pamamasyal nila sa Baguio City. Ilang larawan ni Barbie ang pinost ni Diego sa Twitter na nagpapakita ng kasiyahan, kilig ng aktres sa ginagawa para sa kanya ng aktor.

Namasyal sa Burnham Park at namangka sa manmade river ang magkasintahan. Sinabi ni Diego na nahirapan siyang magsagwan.

“Appreciation post. Behind every kaw dropping picture of my beautiful girlfriend is a struggling bankero/bf. But it is worth every second once I see her smile. (ps: both ice cream were hers),” sabi ni Diero.

Siyemrpe, nag-post din si Diego ng halik photo nila ni Barbie.

Osang hirap sa bagong trabaho

Para huwag lang matengga sa bahay at mawalan ng trabaho, pinasok na rin ni Rosanna Roces ang production o pagiging staff sa isang project.

Nag-selfie si Osang sa Instagram at binalita na nag-ikot siya para sa bagong trabahong pinasok niya sa panahon ng pandemya.

“Location Hunting and mtg with Hotel management and catering. Mahirap tong trabaho ng line Producer. Pero mas mahirap pag wala kang trabaho. Kaya ‘wag magreklamo sa buhay. Mas maraming nahihirapan kesa sa atin. #salamatsatrabahoLord #sakanamagpahinga,” sabi ni Osang.

Maritoni kabogera ang beach house

Nakakamangha sa ganda at laki ang beach house ni Maritoni Fernandez. Kayang pataubin ng architectural design ng beach house ng aktres ang ibang mga beach house, resort ng ilang mga Pinoy celebrity.

Pangmayaman at talagang pinagkagastusan ang vacation house na ito na may swimming pool, function area at veranda sa harap ng beach.

Meron itong 2-storey building. Sa isang building ay may mga kuwarto na para sa ibang mga visiting friend.

Kumpleto sa landscape-garden ang buong lugar na lalong nagpatingkad sa ganda ng beach house.

Pero ayon kay Maritoni, tatlong linggo pa bago matapos ang beach house. Siguradong kaiinggitan ang beach house ni Maritoni ng mga kapwa niya artista.

Leave A Reply

Your email address will not be published.