Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Diego, Franki hiwalay agad

0 77

Pagkatapos na umamin na may ligawan na nagaganap sa pagitan nina Diego Loyzaga at Franki Russell, heto’t nag-unfollow na sila sa isa’t isa.

Matalas ang mga mata ng netizens dahil nalaman nila agad na hindi na pina-follow ng dalawa ang bawa’t isa sa IG. Ang tanong ay kung ano ang nangyari at parang ang bilis naman daw nagkasawaan ang dalawa at may problema na agad sila?


Sa Instagram Stories ni Diego, nagbigay ng konting hint ito tungkol sa nangyari. Nag-share ito ng excerpt from a book about “walking away.”


Pinost niya ay: “What must you do when someone is not ready to be with you? You walk away. Love yourself enough to walk away from anyone who does not know your worth.”


Nag-repost din si Diego ng isang photo na kasama niya si Markus Paterson at ang music na nasa background ay “Single Again” by Big Sean.

Ibig lang sabihin na pareho na ulit silang single ni Markus na matagal nang nababalitang hiwalay na rin kay Janelle Salvador. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.