DIEGO, DEADMA NA SA AWAY KAY CESAR!

“Hindi na siya issue sa akin…” -- Diego

By

Diego at Sofia (Photo By: Boy Borja)
Diego at Sofia (Photo By: Boy Borja)

Kung matatandaan, dumaan si Diego Loyzaga sa isang ma­tinding personal na problema tungkol sa relasyon niya sa kanyang amang si Cesar Montano na sa palagay niya noon ay magiging hadlang upang bigyan siya ng isang teleserye ng ABS CBN.

Pero, heto nga at bida na siya sa Pusong Ligaw ng Kapamilya network. At sa presscon ng Pusong Ligaw na ginanap sa Dolphy Theater noong Miyerkules, April 19, naging totoo sa kanyang mga pahayag si Diego.

“To be honest po, gusto niyo ba talagang malaman ang katotohanan? Hindi ko po talaga ini-expect na mangyayari ito.

“Hindi ko ini-expect na matutuloy ito, hindi ko ini-expect na aabot ako dito. Dito sa upuan na ito, sa harapan ninyo ngayon. Pero, nandito ako ngayon,” sabi niya.

Bakit nga ba hindi niya inaasahan na matutuloy ang proyektong ito kasama ang kanyang ka-loveteam na si Sofia Andres?

“Well, dahil nga doon sa mga pagsubok na pinagdaanan ko nitong mga nakaraang buwan at taon. Siyempre, mga personal issues ang mga ‘yun, at sigurado naman na alam niyo kung ano ang mga ‘yon.

“So, nawala lang po sa isip ko ‘yung paghihintay ng mga teleserye, nagulo lang ako ng konti, pero, I’m very, very happy to be here. I’m very … with my life na nandito na ako, na kasama ko ang mga ito. Nakikita niyo ba ang trailer, napakaganda!

“Alam niyo ‘yon – there’s nothing to be upset about, to be sad about. Ang nakalipas ay nakalipas na.

“Masaya na ako kung nasaan ako nga­yon, at happy talaga ako na kasama ko ang mga ito.

“Ang galing!” sey pa ni Diego.


Kumusta naman siya ngayon? Sa tingin ba niya, natuldukan na ang mga isyung ‘yon sa kanyang buhay?

“Ah, me? I’m good. There’s… I’m busy… I’m busy doing with what I love.

“This is my craft, heto ang puhunan ng buhay namin. Ito talaga ang ginagawa ng isang artista- magka­yod, magsikap para sa sarili, para sa pamilya.

“So, in general, I am very, very good. But, if you’re talking about the issue, we’re talking about in the past, hindi na siya issue sa akin.

“Kung tinatanong niyo kung naayos man o hindi, basta sabihin na lang natin na iwan na lang natin siya doon sa past.

“Tapos na ang isyu na ‘yun at ang ginagawa ko ngayon, araw-araw na nagtatrabaho, at happy ako sa ginagawa ko.”

Anyway, mala­king bagay din daw si Sofia na laging nasa tabi niya noong mga panahong ‘yon upang mas madali siyang makapag-move on sa kanyang pinagdaanan noon.

SHARE