Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Diego buhay single sa US: Barbie madalas ka-date si Tony

0 334

Nginangatngat na siguro ng selos, duda si Barbie Imperial sa dyowang si Diego Loyzaga, na feeling single ngayong sa US.

Binalandra ni Diego sa Instagram ang mga video ng mga bar, club, NBA game, iba pang entertainment venue sa Las Vegas at Los Angeles California na pinasyalan niya.

Pati ang pagda-drive niya ng mga luxury car ay naka-post din.

Ramdam na super-enjoy si Diego kasama ang kanyang mga kaibigan sa walwalan, na parang nakawala sa hawla.

At nanatiling dedma lang si Barbie sa mga post ni Diego. Hindi rin sinasagot ng aktor ang mga tanong ng mga netizen kung hiwalay na ba sila.

Ang ilan sa mga fan ni Diego ay nag-comment na “move on sis” kay Barbie.

At sa ngayon, si Tony Labrusca naman ang madalas daw kasama ni Barbie. Makikita nga ang pagti-tennis nila, pagkain sa isang resto, at kung ano-ano pang chikahan sa IG.

May mga nagbibigay rin ng kahulugan sa post ni Barbie na, “But first, self care.”

“LV yarn!” komento ni Tony.

“Hahahahaha!” react ni Barbie.

Nagpadila, nagpalamas: Rhen naloka sa tapang ng mga baguhang bold star

Malaking tulong sa tagumpay ng Vivamax ang mga nagkalat na mga love scene sa social media, pati na sa mga adult site. Libo-libong likes, re-tweet, comment nga ang hinahamig ng mga mapangahas na eksena ng mga artista na bida sa mga pelikula ng Vivamax.

Pero panawagan ng “Lulu” star na si Rhen Escaño, na palaban din sa hubaran, hindi dapat tangkilin ang mga pirated copy ng mga pelikula at sa Vivamax.

Ang dami kasing naglabasang clip sa Twitter na hango sa mga pelikula ng Vivamax, lalo na sa pelikulang “Siklo”.

Sa ‘Siklo’ kasi ay pumayag ang mga baguhang sexy star na dilaan ang kanilang mga utong, malamas ang kanilang mga dede, at madampian ang kaniang mga hiyas.

“Oo nga, nagulat din ako. Mga palaban talaga sila. Pero huwag dapat silang i-judge sa mga ginawa nilang scene dahil trabaho lang ito.

“Gaya ko, ginagawa ko lang ang best ko para mapabuti ang trabaho ko,” sabi ni Rhen sa panayam ng Abantelliling sa kanila ng co-star niya sa ‘Lulu’ na si Rita Martinez.

Siyanga pala, ngayon ay may 2M subscriber na ang Vivamax at nangako silang maglalabas ng 52 pelikula ngayong 2022.

Regine, Zsa Zsa naggagayahan ng damit

Dapat na ngang palitan nina Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla ang kanilang stylist dahil sa maraming mga appearance nila, lumalabas na pareho ang kanilang mga damit.

Sa maraming pagkakataon parang kambal palagi sina Zsa Zsa, Regine.

Nag-tweet si @ashleyyAraneta ng mga video nina Regine, Zsa Zsa.

Pinagtabi ang mga video ng dalawa at pinakitang ‘twinning’ nga palagi sina Regine, Zsa Zsa.

Minsan ay magkaiba ng kulay, pero pareho ang design.

May iba na galing sa production number nila sa ASAP, kaya pareho sila ng damit. Pero ang iba ay hiwalay ang mga event nila.

Sa abroad, sinisipa agad ang stylist kapag may insidenteng ipinasuot uli sa sikat na celebrity ang damit na naisuot na ng iba, puwera na lang kung ito ay vintage.

Naging isyu nga noon ang parehong damit nina Heart Evangelista, Gretchen Barretto. Ganun din kina Heart, Marian Rivera.

Naku, baka naman ‘buy one, take one’ ang mga damit nina Regine, Zsa Zsa?

KC, Samantha magkasingganda

May mga gumawa na naman ng isyu kay KC Concepcion sa Instagram post niya na binati niya ang younger sister niya kay Gabby Concepcion na si Samantha.

Nag-post si KC ng mga photo, video na magkasama sila ni Samantha, at nilahad ang pagmamahal sa kapatid.

Pinutakti ng comment ang post, at marami ang pumuri kay Samantha, na kasingganda raw ni KC.

May mga pasaring ang ibang nagkomento sa mga kapatid ni KC sa inang si Sharon Cuneta, sina Frankie, Miel.

Anyway, halos pareho naman ang birthday greetings ni KC kina Samantha, Frankie, Miel. Pare-parehong mahal ni KC ang mga kapatid.

Leave A Reply

Your email address will not be published.