Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Didribol na ang FilBasket

0 81

Mga ka-Abante, tuloy na ang pag-iingay ng pinakabagong liga sa bansa. Marami nang kilalang manlalaro ang miyembro na ngayon ng FilBasket.

Yes mga ka-Abante, panibago itong liga para sa mga basketbolista. Marami na ang puwedeng paglaruan ng mga aspiring baller ngayon sa bansa natin!

Ang FilBasket o Filipino Basketball League ay pinasimulan ng dating UAAP champion na si Jai Reyes.

Sa ngayon mga ka-Abante, may 11 koponan na ang liga na inaasahang magsisimula ngayong taon sa isang bubble set up.

Nakatutuwang isipin na hindi nauubusan ng liga dito sa bansa natin na maaaring tumupad sa pangarap ng marami.

Alam naman natin na PBA ang hangad ng lahat pero hindi lahat ay pinapalad na makapasok rito, kaya heto ang isang bagong liga na puwedeng magtuloy sa pangarap ng bawat isa.

Related Posts

Ang FilBasket ay maaaring maging tulay para sa mga bagito na makatawid sa PBA o puwedeng ito na ang kanilang maging tahanan.

Ang mga hindi na nabibigyan ng contract extension sa PBA ay puwede rin na makapaglaro pang muli dahil sa pagkakabuo ng FilBasket lalo na at marami ang koponan rito at paniguradong dadami pa.

Maraming kabataan ang mabubuhayan ng pag-asa rito sa FilBasket dahil mayroon silang bagong arena at pagkakataon na maipakita ang kanilang talento sa basketball at makilala sa buong bansa.

Pero hindi ba dapat kabahan ang PBA sa pagsulpot ng FilBasket? Hindi kaya sila maubusan ng manlalaro dahil may bagong liga? Ano sa tingin ninyo mga ka-Abante?

Muli, patuloy po ninyong suportahan ang Sportalakan! Maraming salamat po. God bless mga ka-Abante!

Leave A Reply

Your email address will not be published.