Una sa Balita

Didal wagi sa All Women’s Skateboarding

0 282

UNTI-UNTI nang hinahawi ni 18th Asian Games gold medalist­ Margielyn Didal ang matinik na daan tungo sa asam nitong 2020 Tokyo Olympics matapos magwagi sa PRO street competition ng 2018 Exposure All Women Skateboarding Championships sa San Diego, California.

Ibinalita ni Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines Inc. president Monty Mendogoria ang panalo ni 2018 Asian Games women’s street skateboarding gold medalist Didal sa isa sa malaking torneo sa skateboarding para ipakita ang kanyang pagiging numero unong babaeng street skateboader.

“This is her 1st Exposure competition. She just proved that she is one of the best in her sports by bagging 1st place in the competition,” ani Mendogoria, na isa din sa mga opisyales sa Asian Skateboarding Federation at Philippine Representative to Asian Extreme Sports Federation AXF.

Idinaraos kada taon ang “Exposure presents Exposure: A Women’s Benefit Event” na torneo upang bigyan ng tsansa at maipakita ng kababaihan ang kanilang husay, talento at kanilang tapang bilang pagiging bahagi sa komunidad.

Higit sa 170 babaeng skaters sa iba’t ibang parte ng mundo ang sumali at nagtungo sa San Diego para lumahok at makamit ang oportunidad na maibahagi ang kanilang skateboarding skills sa mundo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy