Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Didal sasabak sa Rome meet

0 74

SISIMULAN ni Asian Games at Southeast Asian Games gold medalist Margielyn Didal ang inaasam na pagbabalik nito sa Olympics sa pagsisimulang makapagtipon ng ranking points sa pagsabak sa 2022 Street Skateboarding Rome leg na unang qualifying event para sa 2024 Paris Games.

Ang 23-anyos na si Didal, na gold medalist sa 2018 Asian Games at ikapito sa Tokyo Olympics, ay kasalukuyang nasa Italy kasama ang iba pang street skateboarder na naghahanda din sa pagsabak sa makasaysayan at dinarayo na Colosseum para simulan ang kanilang qualification sa Paris 2024.

Ang isang linggong Pro Tour event, na gaganapin simula Hunyo 26 hanggang Hulyo 3, ang pinakaunang torneo para sa 2022 season kung saan ang mga skateboarder ay makakakuha ng Olympic World Skateboard Ranking (OWSR).

Ang huling OWSR standings sa Hunyo 24, 2024 ay gagamitin para madetermina ang mga atleta na matagumpay na makakakuha ng kanilnag ticket sa Games sa capital ng France. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.