Una sa Balita

Didal naka-2 ginto!

0 326

NAKISALO ang 2018 Asian Games gold medallist na si Margielyn Arda Didal sa mga mutli-medallist ng host na Pilipinas kahapon matapos nitong sungkitin ang ikalawa nitong gintong medalya sa pagwawagi sa paborito nitong Street event ng Skateboarding sa ginaganap na 30th Southeast Asian Games sa Tagaytay City.

Umiskor ang 20-anyos mula Cebu na si Didal ng kabuuang 12.7 puntos upang siguruhin ang gintong medalya para sa Pilipinas.

Pumangalawa ang kakampi nito na si Christian Means para sa pilak sa iskor na 7.3 puntos.

Ikatlo naman si Kyandra Susanto ng Indonesia sa 4.0 puntos para sa tanso.
Pumangalawa naman si Renzo Mark Feliciano sa tinipon na 20.6 puntos upang magkasya lamang sa pilak sa men’s category.

Napunta ang ginto kay Tanjung Sanggoe Darma ng Indonesia na may 21.2 puntos habang ikatlo si Sothichai Ruksumruach ng Thailand na may 19.1 puntos. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More