Una sa Balita

Didal, Means bibira na sa Olympic qualifying

0 365

AGAD na sisimulan nina 18th Asian Games gold me­dalist Margielyn Arda Didal at kakampi nitong si Christiana Means sa unang linggo ng Bagong Taon ang kampanya ng Pilipinas na makasungkit ng silya at maagang makapagkuwalipika para sa 2020 Tokyo Olympics sa Japan.

Sasabak ang mga miyembro ng pambansang koponan na sina Didal at Means sa World Skate World Championship for Skateboarding na isasagawa sa pagdaraos ng Street League Skateboarding (SLS) PRO Championships sa Rio de Jainero, Brazil sa nalalapit na Enero 8-10, 2019.

Sinabi ni Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines Inc. president Monty Mendegoria na handa na at preparado ang dalawang pa­ngunahing Pinay skateboarders na sina Didal at Means na irepresenta ang Pilipinas sa pinakamala­king kompetisyon ng skateboarding sa mundo.

“They are ready and very eager to compete. They say they will be competing not just for the pride and honor of the country but to put the Philippine flag high and for seats in the Olympics,” sabi ni Mendegoria.

Ang SLS ay isa lamang sa maraming nakatakdang ganapin na mga skateboarding ranking competition at qualifier tungo sa Tokyo 2020 Olympics. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy