Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Didal level up sa training

0 13

MAGLE-LEVEL UP pa sa kanyang training si Margielyn Didal matapos opisyal na mag-qualify para sa nausog ngayong taon na 2020 Tokyo Olympics.

Kahapon ay opisyal nang inanunsiyo ng World Skate, governing body para sa skateboarding at roller sports, mula sa kanilang website na sasabak sa quadrennial event ang Pinay skater.

SM food to go Banner Ad

Magugunita na tumapos sa ika-17 puwesto si Didal sa semifinals ng Street Skateboarding World Championships sa Rome, Italy matapos makapagtala ng markang 8.04 sa torneo na isang qualifying event para sa Tokyo Games.

Lalahok ang 2018 Asian Games at 2019 Southeast Asian Games gold medal para sa women’s street skateboarding ng Summer Games laban sa 19 pang skater.

Bukod kay Didal, una nang nasungkit nina pole vaulter EJ Obiena, gymnast Carlos Yulo, boxers Eumir Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio, Carlo Paalam, weightlifter Hidilyn Diaz, rower Cris Nievarez at taekwondo jin Kurt Barbosa ang kanilang mga Olympic ticket. (JAToralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.