Una sa Balita

Didal ginto sa skateboarding

0 386

IPINAMALAS ni Margielyn Didal ang kakayahan na magsagawa ng mahirap gayahin na tricks upang sungkitin ang gintong medalya sa women’s game of S.K.A.T.E. event ng skateboarding kahapon sa ginaganap na 30th Southeast Asian Games sa Sigtuna Hall sa Tagaytay City.

Hindi nagaya ang mga isinagawang iba’t ibang tricks ng mula Cebu na si Didal tungo sa pagpapakitang gilas sa mga home fan para sa pagtatala ng bagong kasaysayan para sa bansa sa pagsasagawa nito sa unang pagkakataon sa nasabing event.

“Napakasaya ko po dahil naipakita ko mismo sa ating mga kababayan ang laro na kaya natin mapanalunan kahit sa buong mundo,” sabi ni Didal.

Gold din si Daniel Ledermann sa men’s side ng naturang skateboarding competition.

“It is so warmth and really inspiring,” sabi ni Ledermann.

Si Didal, na reigning Asian Games champion sa street event ay tinalo naman ang kababayan na si Christiana Means sa event na katulad sa laro na H.O.R.S.E. sa basketball.

Tinalo naman ni Ledermann ang 12-an­yos na Indonesian na si Basral Hutomo upang makumpleto ang pagwalis sa gintong medalya ng host team. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More