Una sa Balita

DICT inilatag ang mga patakaran sa 3rd telco player

By
0 6,375

NAGLABAS na ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng nirepasong guidelines para sa papasok na 3rd major telco player sa bansa.

Pinirmahan ni DICT Officer-In-Charge Eliseo Rio Jr. ang Memorandum Order 002 noong Abril 13.

Ayon sa revised guidelines, kailangang may capital na P10 bilyon ang gustong maging 3rd major telco player at kaila­ngang may limang taon o higit pa ito na nasa negosyo ng telecommunications services.

Kailangan din na may hawak itong congressional franchise, wala itong relasyon sa PLDT o Globe Telecom, at walang utang sa Natio­nal Telecommunications Commission (NTC).

Sabi ni Pierre Tito Galla ng Democracy.net.ph, maraming malalagas sa mga kompanyang nag-aambisyong maging 3rd major telco player.

Mawawalan na ng pag-asa ang ABS-CBN Convergence dahil 32% ang pag-aari ng Globe Telecom dito. Sira na rin ang diskarte ng PT&T at Now Telecom dahil may utang sila sa NTC.

Ang Tier 1 din ay tanggal na sa laban dahil ang prangkisa nito ay galing sa ARMM Regional Le­gislative Assembly at hindi sa Kongreso. (Eileen Mencias)