Una sa Balita

Dickel, Sandy napipisil na Gilas coach

0 307

PINAKAUNA ang Pilipinas na nagpadala ng komposisyon para sa FIBA Asia Qualifier.

Ito ang isiniwalat ng isang mataas na opisyal sa asosasyon ng basketball sa bansa na naging basehan kung kaya agad na inilabas ng Federation Internationale de Basketball (FIBA) ang listahan ng mga magsisilbing coach para sa Gilas Pilipinas habang wala man lamang inilalabas na pahayag ang mismong asosasyon sa bansa na Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Walang opisyal na pahayag mismo sa SBP suba­lit inilabas ng FIBA sa official website nito ang mga posibleng ipinadalang listahan ng SBP.
Sinabi ng opisyal na kasamang ipinadala ang inihayag kamakailan ng SBP na kabuuang 24 kataong national pool.

Kinabibibilangan nina TNT KaTropa consultant Mark Dickel at assistant coach Sandy Arespacochaga ang listahan na inihayag ng FIBA habang kasama nito ang Serbian mentor na Nenad Trunic na siyang mga coach na uupo para sa Philippine team sa nalalapit na unang window ng qualifier sa 2021 FIBA Asia Cup.

Si Dickel ang siyang humahawak sa TNT KaTropa sapul pa noong 2018 matapos mawala si coach Nash Racela.

Si Arespacochaga naman ang kasaluku­yang head coach ng Gilas Youth team at nagsilbi bilang assistant coach para sa seniors team habang kabilang ito sa coaching staff ng TNT at Ateneo. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More