Una sa Balita

DiCaprio inakusahang nagpasunog sa Amazon rainforest

0 474

INAKUSAHAN ni Brazilian President Jair Bolsonaro si Hollywood star Leonardo DiCaprio na siyang nagpondo para sunugin ang kagubatan ng Amazon.

Wala namang nilabas na ebidensiya si Bolsonaro para tukuran ang akusasyon laban sa pamosong aktor.

Nag-donate daw kasi si DiCaprio ng $500,000 sa World Wildlife Fund (WWF).
Ngunit ang ginawa umano ng non-go­vernment organization, sinunog ang gubat ng Amazon at kinunan ito ng larawan at video.

Itinanggi naman ng WWF na nakatanggap sila ng donasyon mula kay DiCaprio o kaya’y nakakuha ng larawan mula sa mga firefighter.

Pinasinungalingan din ng Hollywood aktor ang paratang ng Brazilian president.

Ang aktor ay may Leonardio DiCaprio Foundation na ang proyekto ay pangala­gaan ang mga ‘vulnerable wildlife from extinction’. Ang kanyang foundation ay bahagi ng Earth Alliance.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy