Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dibdib ni player singliit ng holen

0 66

MADALAS na nagiging punto ng biruan at kulitan ang flat chested na volleyball star maliban pa sa hindi nito pagsusuot madalas ng two-piece sa mga outing o pool party.

Maituturing na pang-Binibining Pilipinas ang kagandahan ng maputi at seksing volleyball star huwag lang na titingnan ang kanyang sadya yatang napakanipis na dibdib.

Kitang-kita sa mala-anghel na mukha ng super spiker ang kagandahan na kinukumpleto ng kanyang mahuhubog na balakang at halos perpekto sa tambok na kanyang pang-upo.

Gayunman, hindi maialis sa volleyball player ang magkulay pula ang pisngi kapag napagtutuunan ng pansin ang tila kakaiba niyang hinaharap na hindi man lamang makaabot sa paanan ng Bulusan o maski sa Mayon.

Minsan na nag-post na naka-two piece ang magaling na open hitter ay marami ang napahanga sa makurbada nitong katawan ngunit biglang nagitla sa tanging parte na hinahangad na mamasdan ng mga kalalakihan.

Naging palaisipan tuloy kung gaano kalaki ang holen na pag-aari ng volleyball star. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.