Una sa Balita

Diaz top Pinoy sa Ashgabat

By
0 213

NAGING top local performer si Hidilyn Diaz sa naging limang pambato na lang ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas sa kasalukuyang ginaganap pa ring 84th Men’s and 27th Wo­men’s World Weightlifting Championships 2018 sa Ashgabat, Turkmenistan.

Ito’y makaraang hindi pinayagang makasali, gaya ng unang naiulat ng Abante, sina Rose Gie Ramos at Elreen Ann Ando sa women’s 45 at 64 kilograms division ng 10-day liftest na matatapos na bukas, Nobyembre 10.

Hindi nakapagsumite si Ramos sa kanyang whereabout sa 2nd-3rd quarter ng taong ito sa International Weightlif­ting Federation at Asian Weightlifting Federation. At na-late si Ando sa submission ng kanyang whereabouts sa ­taong ito na istriktong pinatutupad na ng World Anti-Doping Agency upang masupil ang talamak na bawal na gamot sa sport.

Abante Hiring – IT dep

May banta ang International Olympic Committee na aalisin ang weightlifting sa 33rd Summer Olympic Games 2024 sa Paris, France kundi magtitino sa masamang droga ang sport.
Diaz top Pinoy sa Ashgabat

Wagi ng gold sa Jakarta-Palembang 18th Asian Games 2018 nitong Agosto at silver sa Rio de Janeiro 31st Summer Olympic Games 2016 sa parehas ding buwan, lumagak lang si Diaz, 27, sa ika-11 puwesto mula sa 42 kalahok sa women’s 55kg sa 203 total tapos mag-93 sa snatch at 110 sa clean and jerk.