Una sa Balita

Diaz tiis muna sa 2 galon ng tubig

0 395

KAHIT walang barbel, tuloy lang sa ensayo si weightlifting star Hidilyn Diaz na kasalukuyang nasa bansang Malaysia.

Nag-improvise si Southeast Asian Games gold medallist Diaz ng isang bamboo stick at dalawang malaking bote ng tubig bilang pansamantalang barbel.

Caption nito sa Instagram post, “this is me during Movement Control Order. No barbel, No problem.
Bamboo stick and 2 big bottles of water.
Stability and core na rin.
#stayhealthy #staysafe #staystrong.”

Inaasahan naman na magkakaroon rin ng online weightlifting seminar si Diaz via Zoom upang hikayatin ang kanyang mga taga-suporta na maging healthy at ligtas sa kasagsagan ng coronavirus pandemic. (JAT)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More