Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Diaz takot masaktan

0 854

HINDI lamang sa weightlifting matinik si 2016 Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz kundi pati na rin sa boxing.

Sa kanyang Instagram story, nagpamalas ng kanyang boxing skills si Diaz at tinag pa sina 2019 AIBA World Boxing champion Nesthy Petecio at 2020 Tokyo Olympics-bound Eumir Marcial.

Hirit ni Diaz, “@neshpetecio @eumirmarcial pwede na ba maging boxer?”

Ngunit ayon sa 2018 Asian Games gold medalist, mananatili na lang ito sa weightlifting.

“Kaya ayoko magtry ng ibang sports nasasaktan ako at nagiging comedy,” sey ni Diaz.

Tumugon naman si Petecio kay Diaz ng “wala na talo na kami, titigil na ako magboxing neto champ.” (JAT)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.