Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Diaz sure ball sa Olympics

0 278

HALOS nakatitiyak na ng kanyang panibagong silya sa Tokyo Games si 2016 Rio Olympics silver medallist Hidilyn Diaz.

Isang tournament na lang ang kailangan ni Diaz upang makakuha ng tiket sa Tokyo Olympics na ikakasa sa 2021.

Bukod kay Diaz, marami pang Pinoy atheles ang sasalang sa qualifying tournament kaya posibleng madagdagan ang delegasyon ng Pilipinas sa Olympics sa Japan.

Nakapasok na ang apat na atleta sa Olympics kabilang sina world champion Carlos Edriel Yulo ng gymnastics, Southeast Asian Games pole vault record holder Ernest John Obiena ng athletics at sina three-time SEA Games champion at AIBA World Championships silver medalist Eumir Felix Marcial at Irish Magno ng boxing.

Umaasa rin ang POC at Philippine Sports Commission, (PSC) sa pangunguna ni chairman William ‘Butch’ Ramirez na makakapasok sina 2019 AIBA World Championships gold medalist Nesthy Petecio at si 2018 Asian Games gold medalist Margielyn Didal ng skateboarding.

Kaya naman naniniwala si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino na malaking bilang ng atletang Pilipino ang sasabak sa nasabing quadrennial meet.

“We still have a lot of hopefuls who will be competing the Olympic qualifiers in their respective sports,” hayag ni Tolentino. (Elech D

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.